Tips Para sa Healthy Nerves Ngayong Kapaskuhan

Kainan, kwentuhan, at kasiyahan - walang duda na ito ang inaabangan ng marami ngayong Pasko. At dahil pwede nang magkita-kita ang mga kapamilya, kaibigan, at katrabaho sa opisina, tiyak na karamihan ay magiging abala na sa iba’t ibang mga plano.

Pero bago malula sa pagbili ng mga regalo at pagkain para sa Noche Buena, huwag na huwag kalimutan ang kalusugan, lalo na ang nerve health!

Bawat isa ay may posibilidad kasi na maapektuhan ng nerve damage, na maaaring magdulot ng sintomas tulad ng tusok, ngalay, at manhid. Bukod sa mga senyales na ito, maaari ring maranasan ang panghihina ng katawan (weakness), pagkahilo (lightheadedness), at sakit sa katawan.1 Kapag naramdaman ang mga ito, maaaring maabala ang mga plano at hindi maging ganon kasaya ang Pasko.

Siguraduhing masaya at malusog ka ngayong Pasko at Bagong Taon! Tandaan ang mga tips na ito na tutulong sa pagpapanatili ng mabuting nerve health:

  1. Subukan ang mga gentle movement exercises: Halimbawa ng mga ito ay yoga, elliptical and light weight training, at paglalakad (walking). Makakatulong ang mga ito sa pag-”warm up” ng mga muscles at pagsulong ng mabuting circulation sa katawan.2 Huwag kalimutang kumunsulta sa isang doktor o therapist tungkol sa nararapat na workout na naaayon sa kondisyon ng katawan, lalo na kung may kasaysayan ng injury o may kasalukuyang comorbidities. 
  2. Kumain ng masustansyang pagkain na may B vitamins: Ayon sa pag-aaral, ang mga B vitamins, lalo na ang vitamins B1, B6, at B12 ay makakatulong sa “regeneration” o pagkakaroon muli ng mga nerves sa katawan.3 Kapag nasa kainan ngayong Pasko, piliin ang mga pagkain na may mataas na B vitamin content tulad ng salmon, itlog, gatas, gulay tulad ng spinach at Romaine lettuce, yogurt, at atay o liver ng baka, manok, o baboy.4 
  3. Gumalaw kahit bumabyahe: Tiyak na marami ang magbabakasyon o uuwi sa probinsya ngayong Pasko at Bagong Taon. Para maiwasan ang nerve pain, gumalaw kahit papaano. Kung pasahero sa eroplano o barko, mag-inat inat o stretch at maglakad-lakad papunta sa palikuran o restroom kung makakaya. Kapag magmamaneho naman ng sasakyan, maglagay ng unan o twalyang nakarolyo sa likod na sumusuporta sa katawan.
  4. Uminom ng maraming tubig: Nakakatulong ito sa pag-iwas o pag-agap sa sakit na konektado sa nerves.5 
  5. Sanayin ang sarili sa good sleep habits: May posibilidad na lumala ang nerve pain sa gabi at makadistorbo sa tulog. Maging handa laban dito sa pamamagitan ng paglimita ng pag-inom ng caffeinated drinks at subukang magkaroon ng walong oras ng tulog kada gabi.6

Uminom B Vitamin Supplement Kung Kinakailangan

Bukod sa mga tips na ito, huwag ring mag-alinlangan na magtanong sa doktor tungkol sa supplements tulad ng Vitamin B1 + B6 + B12 Pharex® B-Complex. Mabuti itong inumin lalo na ngayong Pasko para sa pagpapalakas ng mga nerves.

Ang Vitamin B1 + B6 + B12 Pharex® B-Complex ay may 100 mg ng vitamin B1, 5 mg ng vitamin B6, at 50 mcg ng vitamin B12. Ang formulation na ito ay makakatulong sa pagpapanatili ng mabuting antas ng B vitamins sa katawan at pagpapatibay ng nerve health para hindi ito makasagabal sa mga selebrasyon.

Uminom ng isa (1) hanggang dalawang (2) tablet ng Vitamin B1 + B6 + B12 Pharex® B-Complex kada araw, o as prescribed ng physician. Ugaliing itago ang gamot at mga bitamina sa tuyo at malamig na lugar na hindi bababa sa 30 degrees Celsius.

Ang Vitamin B1 + B6 + B12 Pharex® B-Complex ay mabibili sa leading drugstores nationwide, at online sa Lazada at Shopee.

If symptoms persist, consult your doctor.

References:

Share this article