Paano Pinapalakas ng Pharex E ang Iyong Katawan?

Araw-araw, ang iyong katawan ay nahaharap sa iba’t ibang uri ng stress na pwedeng maging sanhi ng pagkakaroon ng mga free radicals na nakakapinsala sa cells ng katawan. Ayon sa pag-aaral, kapag dumami ang free radicals, maaari itong magdulot ng inflammation at oxidative stress na magpapabago sa komposisyon ng protein, lipid, at DNA. (Lobo et al., 2010, 118-126)

Mabuti nalang at mayroong mga antioxidants na lumalaban sa mga free radicals. Makakatulong ito upang manumbalik ang sigla at lakas ng pangangatawan. 

Bakit Mahalaga Para sa Iyo ang Antioxidants?

Ang pangunahing tungkulin ng mga antioxidants ay para i-neutralize ang mga free radicals. (Antioxidants and Cancer Prevention - NCI, 2017) Nagbibigay sila ng electron sa mga free radicals para mapigilan sila sa maaaring idulot nitong pinsala. Ang mga free radicals kasi ay kadalasang kulang sa electrons, at dahil sa kakulangan na ito, ay naaapektuhan ang mga healthy cells, na nagreresulta sa pinsala sa kalusugan.

Bukod dito, nakakatulong din ang antioxidant sa pagpapanatili ng mabuting kalusugan ng mga cells, pagsasaayos ng mga DNA, at pagpapababa ng risk para sa mga health issues tulad ng sakit sa puso, baga o mata, at pati na rin ang cancer.

Tiyak na pamilyar na kayo sa iba’t ibang antioxidants tulad ng vitamin C, beta-carotene, glutathione, coenzyme Q10, at kasama na ang vitamin E na mahalagang pagtuunan ng pansin. (Antioxidants, n.d.)

Ang bitaminang ito ay matagal nang pinag-aaralan ng mga eksperto para malaman ang kanilang mga kakayanan sa pagpapalakas ng kalusugan. Alamin kung paano makakabuti para sa iyo ang vitamin E, tulad ng Pharex® E. 

Anu-ano ang Mga Benefits ng Vitamin E?

Dahil ito ay isang antioxidant, ang pangunahing benepisyo ng Vitamin E ay protektahan ang mga cells laban sa mga free radicals at pigilan ang produksyon mismo ng mga ito. Pinapatibay rin ng vitamin E ang structure at stability ng mga cells, partikular na ang mga lipid. (Rizvi et al., 2014, e157-165) 

Pero hindi pa dito natatapos ang kahalagahan ng vitamin E. Ayon sa mga eksperto, ang vitamin E ay maaaring tumulong sa:

  • Pagpapalakas ng resistensya (Rizvi et al., 2014, e157-165): Kagaya ng nabanggit sa unang bahagi, tumutulong ang vitamin E na protektahan ang mga membrane sa cells at pigilan ang inflammation ng mga ito. Ang kakayanang ito ang tumutulong sa pagpapatibay ng resistensya at paglaban sa sakit. (Lewis et al., 2018, 4870494)
  • Pagpapabuti ng kalusugan ng balat: Dinadagdagan ng vitamin E ang proteksyon sa iyong balat at nilalabanan ang oxidative stress na nakakaapekto dito. Maaari ring tumulong ang vitamin E laban sa hyperpigmentation tulad ng dark spots sa balat, at sa pagpigil sa “aging” o pagtanda ng balat. (Michalak et al., 2021, 203)
  • Pagpapabuti ng kondisyon at kalusugan ng utak: Ayon sa isang pag-aaral na nailathala noong 2014, makakatulong din ang mga vitamin E supplements sa pagpapabuti ng kalusugan ng utak ng mga matatanda. Bukod dito, ang vitamin E ay may potensyal rin na pabagalin ang cognitive decline o paghina ng kakakayanan ng utak na maaaring maging dahilan ng Alzheimer’s disease. (La Fata et al., 2014, 5453-5472) 
  • Pag-iwas ang pananakit na dulot ng menstruation: May pag-aaral rin na nagsasabing makakatulong ang kombinasyon ng vitamin E at fish oil supplements sa pag-iwas sa sakit na nararamdaman habang may regla ang isang babae. (Sadeghi et al., 2018, 804-808) 

Saan Makukuha ang Vitamin E?

Ayon sa Philippine Dietary Reference Intakes 2015, ang mga adults na 19 na taong gulang pataas ay inirerekomendang makakuha ng 10 mg ng vitamin E kada araw. Kasama na dito ang mga buntis. Pero para sa mga breastfeeding na nanay, kakailanganin nila ng 14 mg ng vitamin E kada araw (Department of Science and Technology Food and Research Institute, n.d.). Ang mga pagkain na sagana sa vitamin E ay:

  • Gulay tulad ng asparagus, pinakuluang (boiled) spinach, at mga leafy greens
  • Pumpkins o kalabasa
  • Red peppers
  • Prutas tulad ng avocado at mangga
  • Almonds
  • Sunflower seeds
  • Mani o peanuts

Abot-Kayang Antioxidants sa Tulong ng Pharex® E

Kung hindi naman sapat ang nakukuhang Vit E, mainam na komunsulta sa doktor. Maaari kayong payuhan ng vitamin E supplement tulad ng Pharex E. Makakasisigurado ka na ang Pharex® E ay good choice para mapanatili ang mabuting kalusugan. Sa halagang P9.95 kada capsule, ang Pharex® E ay magaan sa bulsa kaya pwedeng araw-arawin ang pag-inom.

Ito ay may 400 IU ng dl-Alpha Tocopheryl Acetate (Vitamin E). Kasabay ng proper diet at exercise, ang vitamin E ay makakatulong sa pagpapaganda ng iyong kutis, pagpapabuti ng kalusugan ng mga cells, at pagpapalakas ng utak at mental performance.

Higit sa lahat, tumutulong rin ang vitamin E sa pagpapalakas ng katawan laban sa mga epekto ng stress at pinsalang dulot ng free radicals. Maging handa sa tulong ng magandang panlaban sa sakit — ang Pharex® E. 

Uminom ng isang 400 IU capsule ng Pharex® E isang beses kada araw, o depende sa dose na inirerekomenda ng iyong doktor.  Ang Pharex® E ay mabibili sa mga pangunahing drugstores nationwide, at pati na rin sa Lazada at Shopee.

If symptoms persist, consult your doctor.

References:

Share this article