Maraming posibleng dahilan ang pangangalay sa kamay, paa, braso, binti, at iba pang bahagi ng katawan. Kadalasan, ito ay dulot ng mga nerves sa iyong peripheral nervous system (PNS) na napinsala, na-irita, o naipit. Pero may mga pagkakataon rin na ang ngalay o numbness ay dulot ng mga injuries sa katawan o mga sakit na hindi agad napapansin.1,2
Bukod sa dulot na sakit o discomfort, maaaring makaapekto ang ngalay sa mga pang-araw-araw na gawain na dahilan upang hindi mo magawa ang iyong mga layunin o goals.
Mabuti na lang, may mga gamot na pwedeng inumin para sa ngalay ng braso, kamay, binti, paa, o iba pang bahagi ng katawan. Alamin ang mga gamot na pwedeng ireseta para sa iyo kontra sa ngalay, pati na rin ang iba pang mga paraan para maibsan ito.
3 Klase ng Gamot Kontra Ngalay ng Kamay, Paa at Iba Pa
Kung dumaranas ka ng ngalay sa anumang bahagi ng katawan, kumunsulta agad sa doktor. Para maagapan ito, kailangang malaman ng doktor ang pangunahing sanhi ng isyu na ito at ang mga nerves na naapektuhan.
Mahalagang malaman ng doktor ang mga impormasyong ito para masiguradong angkop para sa iyong kondisyon ang ibibigay na gamot at maaksyunan ang sanhi ng ngalay.3 Ilan sa mga gamot na maaaring irekomenda sa mga taong may ngalay ay:4,5
- Antidepressants: May mga antidepressants na maaaring tumugon sa mga sintomas ng nerve pain, tulad ng mga tricyclic antidepressants at serotonin and norepinephrine reuptake inhibitors (SNRI). Mag-ingat lamang dahil maaaring magdulot ng side effects tulad ng pagkahilo at constipation6 ang mga gamot na ito.
- Anticonvulsant tulad ng gabapentin at pregabalin: Kapag ang ngalay sa katawan ay dulot ng mga sakit tulad ng fibromyalgia, multiple sclerosis, o diabetic neuropathy, maaaring makatulong ang gamot na ito. Binabawasan ng mga anticonvulsants ang discomfort o sakit na nararamdaman sa katawan.
Kung iinom ng alinman sa mga gamot na ito, mag-ingat at bantayan ang mga side effects tulad ng pagkahilo, pakiramdam ng pagkapagod, pagka-antok, at weight gain o pagdagdag ng timbang.7,8
- Corticosteroids o steroids: May mga pag-aaral9 na nagsasabi na ang mga corticosteroids o steroids ay maaaring magdulot ng positibong epekto sa katawan.
Halimbawa, ang pagturok o pag-inject ng corticosteroid sa bahagi ng katawan na dumaranas ng carpal tunnel ay ginagawa dahil binabawasan ng gamot na ito ang pamamaga sa apektadong connecting tissue at pressure sa median nerve. Ang resulta? Ginhawa sa pasyente.10
Ayon rin sa isa pang pag-aaral, ang pag-inom ng mga oral corticosteroids ay tutulong sa pagtaguyod ng motor at sensory recovery pagkatapos ng isang nerve-related injury.
Sa parehong pag-aaral, ibinahagi ng mga mananaliksik na ang mga corticosteroids tulad ng Erythropoietin (EPO) at 4-aminopyridine (4-AP) na kadalasang ginagamit bilang gamot para sa ibang sakit, ay maaaring makatulong sa mga taong may ngalay at nerve pain.11
Pero doble ingat lang dahil konektado ang mga corticosteroids sa iba’t ibang mga side effects, depende sa paraan ng pag-inom, pagturok, o paglapat nito.12
Tandaan: Ilan lang ang mga ito sa mga gamot na maaaring mairekomenda sa iyo ng doktor kontra pangangalay ng paa, kamay, binti, braso, at iba pa. May ibang mga gamot na maaaring ipainom sa iyo depende talaga sa pangunahing sanhi ng ngalay sa katawan.
Iba Pang Paraan Para Mabigyang-Lunas ang Ngalay
May mga pagkakataon naman na hindi mo kakailanganin ng gamot para sa pangangalay ng paa, binti, at iba pa. Alam mo ba na may mga home remedies na pwede mong gawin para maibsan ang ngalay sa katawan? Narito ang ilan sa mga ito:13
- Pagpapahinga: Kapag may nerve pressure na nagdudulot ng ngalay sa katawan, maaari itong maagapan sa tulong ng pagpapahinga.
- Ice pack o cold compress: Maaari nitong maibsan ang pamamaga na dumadagdag sa pressure sa nerves at nagdudulot ng ngalay sa katawan. Maglagay ng mga ice pack o cold compress sa apektadong lugar nang hindi bababa sa 15 minuto. Gawin ito nang madalas kada araw.
- Pag-e-ehersisyo o exercise: Ayon sa isang pag-aaral, makakatulong ang ehersisyo sa pagsasaayos ng nerve function, pagbabawas sa nerve pain at iba pang uri ng sensory dysfunction, at pagpapabuti ng static at dynamic functional mobility sa mga apektadong tao.14
Ilan sa mga ehersisyo na maaaring gawin kapag ika’y may ngalay at nerve pain ay aerobic exercises tulad ng swimming, brisk walking, at biking; balance training, at stretching exercises.15
Pero bago gumawa ng alinman sa mga ehersisyong ito, tanungin muna ang isang doktor o physical therapist. Mahalaga ang hakbang na ito para matiyak na nasa kondisyon ang katawan mo para sa ehersisyo, lalo na kung may comorbidities ka o may history ng mga injuries.
- Pagsunod sa masustansyang diet: Minsan, ang kakulangan o deficiency sa mga bitamina at nutrients ay maaaring makapinsala sa nerves.16 Dahil dito, hinihikayat ng mga eksperto ang pagsunod sa isang low-fat at high-fiber na diet na binubuo ng mga prutas at gulay.
Higit dito, inirerekomenda rin ang mga pagkaing mayaman sa vitamin B12, vitamin D, calcium, at magnesium. Ang mga nutrients na ito ay maaaring tumulong sa pagpapabuti ng kalusugan ng nerves at maiwasan ang ngalay at iba pang sintomas.17
- Pag-inom ng supplement na may mga nutrient kontra ngalay: Ayon sa pananaliksik, may mga vitamins at minerals na makakatulong sa pagpapalakas ng mga nerves. Halimbawa ng mga ito ay Vitamin B6, ascorbic acid (Vitamin C), at folic acid. Bukod dito, may dagdag benepisyo rin sila at makakatulong sa pag-iwas sa oxidative stress, pagbawas ng pamamaga o inflammation, at pagdagdag ng proteksyon laban sa mga pinsala sa cells.
Kung interesado, magtanong sa iyong doktor tungkol sa mga supplement na pwedeng tumulong para sa nerve health.18
Maging Pharex®-cited Para Maibsan ang Ngalay sa Katawan
Bukod sa mga gamot at mga paraan na nabanggit sa unang bahagi, tanungin ang iyong doktor tungkol sa mga benefits ng isang supplement tulad ng Vitamin B1 + B6 + B12 Pharex® B-Complex.
Kasabay ng masustansyang diet at pag-eehersisyo, makakatulong ang supplement na ito sa pagpapababa ng panganib para sa ngalay, manhid, at tusok, at sa pagpapatibay ng mga nerves ng katawan. Mayroon itong 100 mg ng vitamin B1, 5 mg ng vitamin B6, at 50 mcg ng vitamin B12 na makatutulong para sa pang-araw-araw na pangangailangan ng B vitamins ng iyong katawan upang maiwasan ang kakulangan o deficiency.
Uminom ng isa (1) hanggang dalawang (2) tableta ng Vitamin B1 + B6 + B12 Pharex® B-Complex kada araw, o as prescribed by your physician. Ugaliing itago ang gamot at mga bitamina sa tuyo at malamig na lugar na hindi hihigit sa 30 degrees Celsius.
Sa halagang Php 5.45 SRP kada tablet, mabibili ang Vitamin B1 + B6 + B12 Pharex® B-Complex sa mga leading drugstores nationwide, at online sa Lazada at Shopee.
If symptoms persist, consult your doctor.