Panlaban sa Sakit: Magandang Regalo Sa Sarili sa Pasko

Parating na naman Pasko, ang isa sa pinakamasayang araw ng taon! Ang kapaskuhan ay panahon para sa pamilya at mga kaibigan. Ito rin ang panahon kung saan ang ating mga schedule ay puno ng mga party at kaganapan. Sa lahat ng kaguluhan , madaling makalimutan ang ating kalusugan. Ngunit hindi kailangang maging ganoon! Ngayong Pasko bakit hindi bigyan ang iyong sarili ng regalo ng mabuting kalusugan?

Huwag isipin masyado ang Holiday stress. Sulitin ang break habang pinapalakas ang iyong resistensya. Ito ay ang tamang oras upang subukan ang mga bagong healthy habits at tuklasin ang mga bagay na hindi mo pa nagagawa sa loob ng ilang taon. 

Kasiyahan– hindi pagod at sakit– ang dapat iyong maramdaman ngayong pasko. Narito ang ilang tips upang maiwasan ang stress at disease-causing toxins ngayong kapaskuhan.

Iwas sa Rush Hour 

Planuhin mabuti ang iyong pag-grocery at pagbili ng mga regalo para sa iyong mga mahal sa buhay. Kahit na lumuluwag na ang restrictions sa Covid-19 ay mas maganda pa rin ang pag-practice ng tamang social distance. 

Ang pagpunta sa mga matao na lugar ay maaaring mag-expose sa iyo sa mga air pollutants at toxins. Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng World Health Organization pinatataas ng air pollutants ang panganib ng mga impeksyon sa paghinga, sakit sa puso at kanser sa baga.1 Kaya mainam na iwasan ang rush hour para iwas din na makapitan ng mga ito. (Health Consequences of Air Pollution on Populations, 2019)

Simpleng Pasko para Bawas Stress

Sa paskong darating mas importante ang good health at peace of mind! Ilan sa mga sintomas na ikaw ay nakakaramdam na ng stress ay patuloy na pag-aalala, pagiging makakalimutin, kawalan ng kakayahang mag-focus, at hindi magandang mood. Kapag ito ay lumala maaari itong maging sanhi ng sakit sa puso, mataas na presyon ng dugo, hindi normal na pagtibok ng puso, atake sa puso, at mga stroke.2 (Stress Symptoms: Effects on Your Body and Behavior, n.d.)

Kung nakaka-stress sa iyo ang pag-plano ng madami o magarbong selebrasyon,  gawing simple pero makabuluhan na lamang ang Christmas Celebration. Iwasan ang pag panic. Maging kalmado ngayong pasko para makaiwas sa sakit at pagkabalisa. Ilan lamang sa mga halimbawa ng nagdadala ng stress at anxiety tuwing pasko ay ang pagluluto ng mga pagkain, pamimili at paglilinis. Kung ikaw ay nahihirapan sa Christmas preparation, I-designate ang mga tasks.

Iwasan ang Pag-inom ng Labis na Alak

Uminom nang tama lamang para maiwasan ang intoxication. Kapag ikaw ay madalas uminom ine-expose mo ang sarili mo sa acetaldehyde, isang substance na nakakapinsala ng atay.3 Ang mas healthy na liver at lungs ay mas importante kaysa sa panandaliang buzz na ibinibigay ng alak. (Henley, 2018)

Kung gusto mo ng maiinom na safe ngayong pasko, baka magustuhan mo ang pagtimpla ng iba’t ibang fruit juices. Bukod sa masarap masarap inumin wala pa itong side effect tulad ng dehydration o panunuyo. Nakasanayan na ang mga inuman pero hindi ba mas masaya kung maaalala mo lahat ng ginawa niyo ng pamilya mo ngayon pasko? Mas masaya ang celebration kapag walang emergencies, kaya alak ay limitahan.

Healthy na Alternatibo sa Paboritong Pagkain

Mag-explore ngayong pasko. I-modify ang mga normal na recipe at gawin itong mas healthy. Lagyan ng gulay ang mga nilulutong pagkain. Kumain ng prutas at gulay sa noche buena. Damihan ang servings ng salad, isda at grains. Bawasan ang mga matataba at matatamis na pagkain.

Ang pagiging malusog ay hindi nangangahulugan na kailangan mong tanggihan lahat ng mga holiday treat. Isang araw lamang ang pasko pero ang iyong mga kinain ay magtatagal sa iyong katawan. Pwede pa rin tumikim ng lechon, desserts at iba pang mga pagkain ngayong pasko pero liitan lang ang mga servings.4 Pasasalamatan ka ng iyong katawan hindi lang ngayong pasko pero pati na rin sa mga susunod na araw. (Butler et al., n.d.)

Dagdag Energy at Confidence sa Pag-eehersisyo!

Ilabas ang toxins sa pamamagitan ng pagpapawis. Bago ka pa sumali sa mga games mas maganda kung simulan mo na ang regular na pag-eehersisyo.5 Ang pag-eehersisyo ay nakakatulong bawasan ang stress, risk ng depresyon at pataasin ang self esteem. (Bruce, 2022)

Kapag nag-eehersisyo ka, naglalabas ang iyong katawan ng mga kemikal na tinatawag na endorphins.6 Ang mga endorphins na ito ay nagdudulot ng positive na pakiramdam sa katawan.

(Endorphins: What They Are and How to Boost Them, 2022)

Bukod pa sa mga positibong pagbabago sa iyong mood, ikaw rin ay nagiging mas fit. Mas tataas ang confidence sa sarili kaya mas ma-cecelebrate ang pasko ng masaya. Dahil sa confidence na ito mas may gana at extra lakas ka makipag-usap sa iyong mga kaibigan at kapamilya. 

Sa Oras ng Kasiyahan Huwag Kalimutan ang Tulog

Mas marami kang energy kapag may sapat na tulog. Ipagdiwang ang pasko pero huwag kalimutan ang good sleeping habits. Planuhin ang iyong mga oras ng pagtulog. Ang mga bata ay nangangailangan ng 8 hanggang 11 oras ng pagtulog bawat gabi. Samantalang ang mga mas matatanda ay nangangailangan ng 7-9 na oras.7 (How Much Sleep Do We Really Need?, 2022)

Ayon sa mga pag-aaral, mas prone na magkasakit ang mga hindi nakakakuha ng sapat o maayos na tulog, kaya iwasan ang puyat! Tandaan: magagawa mo lahat ng gusto mo ngayong Christmas break kung mananatiling malakas ang immunity mo. 

Magandang Regalo Sa Sarili 

Ang lahat ng gagawin sa pasko na ito ay may epekto sa iyong buhay sa buong taon. Gaano karaming oras ang inilalaan mo sa iba kumpara sa iyong pag-check ng iyong sariling health? Ngayong pasko regaluhan ang iyong sarili ng proteksyon laban sa sakit! 

Mas malusog na pangangatawan mas madaling makuha kung sasabayan mo ang iyong healthy Christmas activities ng supplements. 

Regaluhan ang sarili ng Pharex® E! Sa halagang P9.50 kada capsule, ang Pharex® E ay magaan sa bulsa kaya pwedeng araw-arawin ang pag-inom.

Ito ay may 400 IU ng dl-Alpha Tocopheryl Acetate (Vitamin E), isang mabisang antioxidant. Kasabay ng proper diet at exercise, ang vitamin E ay makakatulong sa pagpapaganda ng iyong kutis, pagpapabuti ng kalusugan ng mga cells, at pagpapalakas ng utak at mental performance.

Higit sa lahat, tumutulong rin ang vitamin E sa pagpapalakas ng katawan laban sa mga epekto at pinsalang dulot ng holiday stress. Maging handa sa tulong ng magandang panlaban sa sakit — ang Pharex® E. 

Uminom ng isang 400 IU capsule ng Pharex® E isang beses kada araw, o depende sa dose na inirerekomenda ng iyong doktor.  Ang Pharex® E ay mabibili sa mga pangunahing drugstores nationwide, at pati na rin sa Lazada at Shopee.

If symptoms persist, consult your doctor.

References: 

1Health consequences of air pollution on populations. (2019, November 15). World Health Organization (WHO). Retrieved November 9, 2022, from https://www.who.int/news/item/15-11-2019-what-are-health-consequences-of-air-pollution-on-populations
2
Stress symptoms: Effects on your body and behavior. (n.d.). Mayo Clinic. Retrieved November 9, 2022, from https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/stress-management/in-depth/stress-symptoms/art-20050987
3
Henley, J. (2018, April 2). 3 Weird Things About Acetaldehyde | Blogs | CDC. CDC Blogs. Retrieved November 9, 2022, from https://blogs.cdc.gov/cancer/2018/04/02/3-weird-things-about-acetaldehyde/
4
Butler, N., Elliott, B., & Shoemaker, S. (n.d.). Healthy Holidays: Tips and Recipes for Healthy Eating. Healthline. Retrieved November 9, 2022, from https://www.healthline.com/health/healthy-holiday#tips-and-tricks
5
Bruce, D. F. (2022, April 1). Exercise and Depression: Endorphins, Reducing Stress, and More. WebMD. Retrieved November 9, 2022, from https://www.webmd.com/depression/guide/exercise-depression
6
Endorphins: What They Are and How to Boost Them. (2022, May 19). Cleveland Clinic. Retrieved November 9, 2022, from https://my.clevelandclinic.org/health/body/23040-endorphins
7
How Much Sleep Do We Really Need? (2022, August 29). Sleep Foundation. Retrieved November 9, 2022, from https://www.sleepfoundation.org/how-sleep-works/how-much-sleep-do-we-really-need

Share this article