Bakit Di Natutunawan ang Tiyan? Alamin ang Dahilan

Hindi kaila na mahilig kumain ang mga Pinoy. May okasyon man o wala, simple man o magara, malaking importansya ang binibigay ng mga Pinoy sa kanilang mga paboritong pagkain

Pero may mga pagkakataon na maaaring magdulot ng problema ang labis-labis na pagkain. Isang halimbawa nito ay kapag hindi natunawan ang isang tao–-bata man o matanda. Pwede itong maging sanhi ng iba’t ibang sintomas na nagdudulot ng sakit at discomfort at maaaring makaistorbo sa pang-araw-araw na gawain.

Nakakatakot man kapag hindi ka natunawan, mas nakakatakot ito kapag hindi naagapan kaagad. Alamin kung bakit nga ba hindi natutunawan ang iba pagkatapos kumain, ano ang mga karaniwang sintomas ng taong hindi natutunawan, at paano ito maaagapan.

Bakit Nga Ba Hindi Natutunawan ang Isang Tao?

Ang termino sa Ingles para sa “hindi natunawan” ay indigestion o dyspepsia. Kadalasan itong kinokonekta sa mga pagkakataon kung saan napasobra ng kain at lumampas sa makakaya ng katawan. Pero may iba pang mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng indigestion o dyspepsia ang mga tao, tulad ng:1

  • Pag-inom ng sobrang alak, kape o inumin na may caffeine, at carbonated drinks
  • Pagkain ng sobrang bilis
  • Mga pagkaing maanghang, mataba, o mamantika
  • Mga pagkaing maraming acid tulad ng kamatis at oranges
  • Stress
  • Paninigarilyo
  • Gamot tulad ng antibiotics o non-steroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDs)
  • Mga sakit tulad ng acid reflux (GERD), gastritis, irritable bowel syndrome, lactose intolerance, at irritable bowel syndrome
  • Mga mental health issues tulad ng anxiety o depression

Maraming sintomas ang konektado sa mga kaso ng indigestion. Pero ang sakit ng tiyan ay kadalasang nangyayari sa mga hindi natunawan. Kadalasan, nararamdaman sa itaas na bahagi ng tiyan. Pero bukod dito, ang iba pang mga sintomas na maaaring maranasan kapag hindi natutunawan ay:1

  • Tila nasusunog na pakiramdam sa tiyan
  • Pagkabusog kahit hindi ka pa tapos kumain
  • Pagkabusog at hindi magandang pakiramdam pagkatapos kumain
  • Pagdighay ng pagkain o likido
  • Bloating ng tiyan
  • Hangin o gas sa tiyan
  • Malakas na growling o gurgling sa tiyan

Mahalagang malaman na walang pinipiling lugar at oras ang mga sintomas ng indigestion. Pwede kang hindi matunawan kahit saan — sa bahay, opisina, o kainan man yan. Higit sa lahat, pwede ding maging sagabal ang mga sintomas ng indigestion sa mga okasyon na dapat sana’y masaya tulad ng kaarawan, date, o kasal. Nakakatakot isipin, hindi ba?

Kung sa tingin mo ay hindi ka natunawan, subukang aksyunan ang mga sintomas kaagad. Kapag hindi agad naagapan ang mga ito, pwede itong magdulot ng matinding discomfort na maaaring maka-apekto sa iyong pang-araw-araw na gawain at kalidad ng buhay. 2

Paano Masosolusyonan ang Tiyan na Hindi Natunawan?

Bago madagdagan ang posibleng perwisyo dahil hindi ka natunawan, narito ang ilang mga istratehiya na tutulong sa pag-agap ng mga sintomas ng indigestion: 2

  1. Bawasan ang pag-inom ng tsaa, kape, soda, o alak.
  2. Dahan-dahanin ang pagnguya sa pagkain.
  3. Huwag kumain 3 hanggang 4 oras bago matulog
  4. Huwag kumain ng mga maaanghang, matataba, o matabang pagkain.
  5. Huwag manigarilyo.
  6. Huwag uminom ng gamot tulad ng ibuprofen o aspirin hangga’t hindi pinapayuhan ng doktor
  7. Kapag hihiga para matulog, i-angat ang iyong ulo at balikat para maiwasan ang pag-akyat ng stomach acid sa iyong lalamunan.
  8. Kung maaari, bawasan ang mga stressors o sanhi ng stress para kalmado ka habang kumakain. 3

Kung patuloy ang mga sintomas, makabubuting kumunsulta agad sa iyong doktor para sa karampatang lunas.

Ang Digestive Enzymes ay Tumutulong sa Tamang Digestion

Ang malusog na tiyan o gut health ay kailangan para sa maayos na pagtunaw ng pagkain. Kasama na dito ang sapat na digestive enzymes tuwing tayo ay kumakain.

Ito ay ang mga proteins na ginagawa sa stomach, small, intestine, at pancreas. Halimbawa ng mga ito ay amylase, lipase, at protease. May sari-sarili silang mga papel pagdating sa pag-break ng down ng protein, carbohydrates, at fats, at tumutulong din sila sa pagpapabuti ng digestion. 5

Sa isang pag-aaral, ibinahagi na ang mga digestive enzyme supplements ay tumulong sa pagpapahina ng “severity” ng mga sintomas ng functional dyspepsia, isang uri ng indigestion, sa mga adults. Dahil dito, nakaranas sila ng mas mabuting kalidad ng buhay at pagtulog. 6

Mahalaga ang pag-aalaga ng kalusugan ng digestive system, lalo na habang ika’y tumatanda. Ayon sa mga mananaliksik sa isang pag-aaral mula 2020, karaniwan ang mga sintomas ng mga digestive issues sa 60% ng mga matatanda. Ilang sanhi ng mga sintomas na ito ay ang mga dietary patterns at pagbabago mismo ng gastrointestinal tract ng mga matatanda.

Dahil dito, bumababa ang bilang ng mga good bacteria at total short-chain fatty acids at nabawasan ang “bacterial diversity” sa gut ng mga matatanda. Tumataas rin ang bilang ng mga di kanais-nais na bacteria sa katawan.

Pero dito pwedeng pumasok ang kombinasyon ng digestive enzyme supplement at isang probiotic. Base sa pag-aaral na isinagawa, nakatulong ang kombinasyon na ito sa pag-agap ng sintomas ng indigestion sa mga matatanda. 7

Para sa Kalusugan ng Digestive System, Subukan Ito

Iwasan ang aberya sa iyong kalusugan (at mga plano) dulot ng hindi natunawan na tiyan. Simulan ito sa pamamagitan ng pag-aalaga ng iyong digestive system. Bukod sa mga masustansyang pagkain, magtanong sa iyong doktor tungkol sa supplement tulad ng Digestive Enzymes + B Vitamins (Enzyplex®).

Ang Enzyplex® ay naglalaman ng tatlong digestive enzymes (amylase, protease, at lipase) at apat na B vitamins (vitamins B1, B2, B6, at B12). Kasabay ng tamang pagkain at ehersisyo, makakatulong ang mga nutrients sa supplement na ito pagdating sa:

  • Pag-break down ng mga protein, fat, at carbohydrates mula sa pagkain
  • Pagpapanatili ng mabuting digestion at metabolism
  • Pagtugon sa mga sintomas ng acute dyspepsia

Ang suggested use of Digestive Enzymes + B Vitamins (Enzyplex®) ay isang (1) tablet na iinumin isang beses sa isang araw kasabay ng pagkain, o ayon sa rekomendasyon ng doctor. Sa pag-inom ng tableta, siguraduhing lunukin ito ng buo at iwasan ang pagnguya nito.

Mabibili ang Digestive Enzymes + B Vitamins (Enzyplex®) online sa Lazada at Shopee, o sa mga botika nationwide sa suggested retail price (SRP) na Php12.00 per tablet.

MAHALAGANG PAALALA: ANG DIGESTIVE ENZYMES + B VITAMINS (ENZYPLEX®) AY HINDI GAMOT AT HINDI DAPAT GAMITING PANGGAMOT SA ANUMANG URI NG SAKIT.

References:

1Symptoms & Causes of Indigestion. (2022, July 23). National Institute of Diabetes and Digestive and Kidney Diseases. https://www.niddk.nih.gov/health-information/digestive-diseases/indigestion-dyspe psia/symptoms-causes

2NHS. (2024, February 13). Indigestion. nhs.uk. https://www.nhs.uk/conditions/indigestion/

3Indigestion - Diagnosis and treatment - Mayo Clinic. (2024, February 1). https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/indigestion/diagnosis-treatment/dr c-20352215

4Your Digestive System & How it Works. (2023, February 28). National Institute of Diabetes and Digestive and Kidney Diseases. https://www.niddk.nih.gov/health-information/digestive-diseases/digestive-systemhow-it-works

5Digestive enzymes and digestive enzyme supplements. (2022, February 10). Johns Hopkins Medicine. https://www.hopkinsmedicine.org/health/wellness-and-prevention/digestive-enzyme s-and-digestive-enzyme-supplements

6Ullah, H., Di Minno, A., Piccinocchi, R., Buccato, D. G., De Lellis, L. F., Baldi, A., El?Seedi, H. R., Khalifa, S. a. M., Piccinocchi, G., Xiang, X., Sacchi, R., & Daglia, M. (2023). Efficacy of digestive enzyme supplementation in functional dyspepsia: A monocentric, randomized, double-blind, placebo-controlled, clinical trial. Biomedicine & Pharmacotherapy, 169, 115858. https://doi.org/10.1016/j.biopha.2023.115858

7Kumar, V. A., Sudha, K. M., Bennur, S., & Dhanasekar, K. R. (2020). A prospective, randomized, open-label, placebo-controlled comparative study of Bacillus coagulans GBI-30,6086 with digestive enzymes in improving indigestion in geriatric population. Journal of Family Medicine and Primary Care, 9(2), 1108. https://doi.org/10.4103/jfmpc.jfmpc_922_19

Share this article