4 Ways Para Maiwasan ang Tusok, Manhid, at Ngalay ng Katawan

Sa dami ng responsibilidad natin bilang adults, minsan talaga ay kailangan nating magpursigi para magawa ang lahat ng ating mga tasks. Unfortunately, nandiyan ang banta ng tusok, manhid, at ngalay na pwedeng makaapekto sa iyong routine.

Ang tusok, manhid, at ngalay ay kadalasang dulot ng mga nerve problems sa mga bahagi ng katawan tulad ng balikat, braso, kamay, binti, at paa. Nakakadulot ang mga ito ng sakit at nakakadagdag sa pagod. Kaya bago maapektuhan ng mga ito, unahan mo na sa pamamagitan ng pag-adopt ng healthy lifestyle changes.

 

Follow These 6 Tips to Avoid Tusok, Manhid, at Ngalay

May kasabihan na “Prevention is better than cure,” at totoo ito pagdating sa tusok, manhid, at ngalay. Heto ang ilang tips para mapanatiling healthy ang nerves at maiwasan ang mga hindi kanais-nais na karamdamang kasama nito:

  1. Mag-ehersisyo kung kaya: Ayon sa pag-aaral, ang pag-eehersisyo ay makakatulong sa pag-optimize ng nerve function ng katawan. Dahil dito, bumubuti ang mobility ng katawan at nababawasan o minimized ang pagkakataong magkaroon ng tusok, manhid, o ngalay.  Pero kung ikaw ay may injuries o comorbidities, mabuting humingi muna ng payo mula sa doktor para malaman ang mga nararapat na workout para sa iyong kondisyon. 

  2. Magpahinga at matulog: Ang sapat na pahinga at pagtulog ay makakatulong sa pag-iwas sa tusok, manhid, o ngalay. Kapag may tusok, manhid, o ngalay na nararamdaman, ingatan at huwag pwersahin ang bahagi ng katawan na apektado dahil maaaring lumala ang iyong kondisyon. 

  3. Sundin ang isang nutrient-rich and balanced diet: Ang kakulangan sa mga nutrients tulad ng vitamins B1, B6, at 12, calcium, at potassium ay pwedeng magdulot ng tusok, manhid, at ngalay sa katawan.
    Kaya laging, kumain ng masustansyang pagkain with these vitamins and minerals para maiwasan ang tusok, manhid, at ngalay sa katawan, at pagbutihin ang iyong overall health.
    Ang mga isda, fortified na cereals, at mga prutas at gulay tulad ng saging, papaya, orange, beans, at green peas ay good sources ng vitamins B1, B6, at B12. Ang potassium naman ay makukuha sa mga patatas, spinach, broccoli, avocado, at saging. Samantala, ang gatas at iba parang dairy products, tokwa, spinach, at bok choy ay good sources ng calcium.

  4. Bawasan o iwasan ang pag-inom ng alak: May mga toxins ang alak at alcoholic drinks na maaaring magdulot ng tusok, manhid, at ngalay. Imbes na alak at iba pang alcoholic drinks, siguraduhin na nakakainom ka ng sapat na tubig araw araw para maging well-hydrated ang katawan at all times.

 

Iwasan ang Tusok, Manhid, at Ngalay With Pharex Vitamin B1+B6+B12

Unahan ang nerve damage at ang mga sintomas nitong tusok, manhid, o ngalay. Bago pa man ito tumama, kumain ng healthy diet, stay active, at ask your doctor about Pharex Vitamin B1+B6+B12. Meron itong vitamins B1, B6, and B12 na tumutulong para maiwasan and maagapan kaagad ang vitamin B deficiency, siguraduhin ang normal nerve function, at patibayin ang nerves para iwas sa sakit. 

Uminom ng one to two tablets of Pharex Vitamin B1+B6+12 daily or as directed by a doctor, alongside proper diet and exercise. Para sa iba pang tips kontra tusok, ngalay, o manhid na nakakaapekto sa pang-araw-araw na gawain, visit the Pharex Health website for more!

 

ASC REFERENCE NO. P172N062422PS

If symptoms persist, consult your doctor.

Share this article